MGA AWIT 23

1Ang Panginoon ay aking pastol; hindi ako magkukulang;

2pinahihiga niya ako sa luntiang pastulan,[#Apoc. 7:17]

inaakay niya ako sa tabi ng mga tubig na pahingahan.

3Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwa.

Inaakay niya ako sa mga landas ng katuwiran

alang-alang sa kanyang pangalan.

4Bagaman ako'y lumakad sa libis ng lilim ng kamatayan,

wala akong katatakutang kasamaan;

sapagkat ikaw ay kasama ko,

ang iyong pamalo at ang iyong tungkod,

inaaliw ako ng mga ito.

5Ipinaghahanda mo ako ng hapag

sa harapan ng aking mga kaaway;

iyong binuhusan ng langis ang aking ulo,

umaapaw ang aking saro.

6Tiyak na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin

sa lahat ng mga araw ng aking buhay;

at ako'y maninirahan sa bahay ng Panginoon

magpakailanman.

©Philippine Bible Society, 2001
Published by: Philippine Bible Society