The chat will start when you send the first message.
1Panginoon , ang mga kaaway ko ay dumarami!
Ang tumitindig laban sa akin ay marami;
2marami ang nagsasabi tungkol sa aking kaluluwa,
walang tulong mula sa Diyos para sa kanya. (Selah)
3Ngunit ikaw, O Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko,
aking kaluwalhatian, at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4Ako'y dumadaing nang malakas sa Panginoon ,
at sinasagot niya ako mula sa kanyang banal na burol. (Selah)
5Ako'y nahiga at natulog;
ako'y muling gumising sapagkat inaalalayan ako ng Panginoon .
6Sa sampung libu-libong tao ako'y hindi natatakot,
na naghanda ng kanilang mga sarili laban sa akin sa palibot.
7Bumangon ka, O Panginoon !
Iligtas mo ako, O aking Diyos!
Sapagkat iyong sinampal sa pisngi ang lahat ng aking mga kaaway,
iyong binasag ang mga ngipin ng masama.
8Ang pagliligtas ay sa Panginoon ;
sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)