MGA AWIT 70

1Malugod ka, O Diyos, na iligtas ako;

O Panginoon , magmadali kang ako'y tulungan mo!

2Mapahiya at malito nawa sila

na tumutugis sa aking buhay!

Maitaboy nawa sila at mawalan ng karangalan,

silang nagnanais na ako'y masaktan!

3Pangilabutan nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan,

silang nagsasabi, “Aha, Aha!”

4Lahat nawang nagsisihanap sa iyo

ay magalak at matuwa sa iyo!

Yaon nawang umiibig sa iyong pagliligtas

ay patuloy na magsabi, “Hayaang dakilain ang Diyos!”

5Ngunit ako'y dukha at nangangailangan,

magmadali ka sa akin, O Diyos!

Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;

O Panginoon , huwag kang magtagal!

©Philippine Bible Society, 2001
Published by: Philippine Bible Society