Ezra 6

Ang Utos ni Dario

1Kaya nag-utos si Haring Dario na saliksikin ang mga kasulatang nakatago sa lalagyan ng mga kayamanan doon sa Babilonia.

2Ngunit sa matatag na lungsod ng Ecbatana, na sakop ng lalawigan ng Media, natagpuan ang isang nakarolyong kasulatan na may nakasulat na:

Itinalaga ang Templo

13Tinupad nila Tatenai na gobernador, Setar-bozenai, at ng mga kasama nila ang utos ni Haring Dario.

14Kaya patuloy na nagtrabaho ang mga tagapamahala ng mga Hudyo habang pinapalakas sila ng mga mensahe ng mga propeta na sina Hagai at Zacarias na anak ni Ido. Natapos nila ang Templo ayon sa utos ng Diyos ng Israel na ipinatupad nina Ciro, Dario, at Artaherhes, na mga hari ng Persia.

15Natapos ang Templo nang ikatlong araw ng buwan ng Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario.

16Masayang nagdiwang sa pagtatalaga ng bahay ng Diyos ang mamamayan ng Israel, ang mga pari, mga Levita, at ang iba pang bumalik galing sa pagkabihag.

17Sa pagtatalagang ito ng bahay ng Diyos, naghandog sila ng isangdaang toro, dalawandaang lalaking tupa, at apatnaraang batang lalaking tupa. Naghandog din sila ng labindalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan ng bawat lahi ng Israel.[#6:17 : Sa ibang salin, handog dahil sa kasalanan o handog dahil sa mga kasalanang hindi sinadya.]

18Itinalaga nila ang mga pari at mga Levita sa kani-kanilang tungkulin sa Templo ng Diyos sa Jerusalem ayon sa nakasulat sa Aklat ni Moises.

Ang Pista ng Paglampas ng Anghel

19Nang ikalabing-apat na araw ng unang buwan, ipinagdiwang ng mga bumalik galing sa pagkabihag ang Pista ng Paglampas ng Anghel.

20Nilinis ng mga pari at mga Levita ang kanilang sarili upang maging karapat-dapat sila sa pangunguna nila sa mga seremonya. Pagkatapos, kinatay ng mga Levita ang mga tupang handog sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel para sa lahat ng bumalik galing sa pagkabihag, para sa mga paring kamag-anak nila, at para sa sarili nila.

21Ang mga handog na ito ay kinain ng mga Israelitang bumalik galing sa pagkabihag at ng ibang mga taong nakatira roon na tumalikod na sa mga ginagawa ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos para sambahin ang Panginoon , ang Diyos ng Israel.

22Sa loob ng pitong araw ipinagdiwang nila nang may kagalakan ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Sapagkat binigyan sila ng Panginoon ng kagalakan nang binago niya ang puso ng hari ng Asiria upang tulungan sila sa paggawa ng bahay ng Diyos, ang Diyos ng Israel.

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.