1Nang panahong iyon, ang mga pinuno ng mga mamamayan ay nakatira sa Jerusalem, ang banal na lungsod. Nagpalabunutan ang mga tao para sa bawat sampung pamilya ay may isang pamilyang maninirahan sa Jerusalem, habang ang ibaʼy mananatili sa mga bayan nila.
2Pinuri ng mga tao ang lahat ng nagpasyang tumira sa Jerusalem.
3Ang ibang mga Israelita, pati mga pari, mga Levita, mga tagapaglingkod sa Templo, at ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay patuloy na nakatira sa kanilang sariling mga lupain sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda.
4Ang ibang mga mamamayan ng Juda at Benjamin ay nakatira sa Jerusalem.
Ito ang mga pinuno ng mga probinsya ng Juda at Benjamin na nakatira sa Jerusalem.
Mula sa lahi ni Juda:
7Mula sa lahi ni Benjamin:
10Mula sa mga Pari:
15Mula sa mga Levita:
19Mula sa mga tagapagbantay ng mga pintuan:
20Ang ibang mga Israelita, pati ang mga pari at mga Levita ay nakatira sa mga lupaing minana nila sa kanilang mga ninuno sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda.
21Ngunit ang mga tagapaglingkod sa Templo na pinangungunahan nina Ziha at Gispa ay doon tumira sa bulubundukin ng Ofel.
22Ang pinakapinuno ng mga Levita sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani na anak ni Hasabias; si Hasabias ay anak ni Matanias na anak ni Mica. Si Uzi ay isa sa mga angkan ni Asaf na mang-aawit sa bahay ng Diyos.
23Ang hari ang nag-uutos sa kanila tungkol sa mga gagawin nila sa bawat araw.
24Si Petahias na anak ni Mesezabel, na isa sa mga angkan ni Zera na anak ni Juda, ang kinatawan ng hari sa bayan sa lahat ng mga bagay na patungkol sa mga tao.
25Ang ibang mga mamamayan ng Juda ay nakatira sa mga bayan na malapit sa mga lupain nila. Ang iba sa kanila ay nakatira sa Kiriat-arba, Dibon, Jekabzeel, at sa mga nayon sa paligid ng mga bayang ito.
26Ang iba sa kanila ay nakatira sa Jeshua, Molada, Bet-pelet,
27Hazar-sual, Beer-seba, at sa mga nayon sa palibot nito.
28Mayroon ding nakatira sa Ziklag, sa Mecona, at sa mga nayon sa paligid nito,
29sa En-rimon, Zora, Jarmut,
30Zanoa, Adulam, at sa mga nayon sa paligid ng mga bayang ito. Ang iba pa sa kanila ay nakatira sa Laquis at sa malalapit na mga sakahan at sa Azeka at sa mga nayon sa paligid nito. Kaya nakatira ang tao sa Juda mula sa Beer-seba sa timog hanggang sa Lambak ng Hinom.
31Ang ibang mga mamamayan ng Benjamin ay nakatira sa Geba, Micmas, Ai, Betel, at sa mga nayon sa paligid nito.
32Ang iba ay nakatira sa Anatot, Nob, Ananias,
33Hazor, Rama, Gitaim,
34Hadid, Zeboim, Nebalat,
35Lod, Ono, at sa Lambak ng mga Manggagawa.
36Ang iba pang mga Levita na nakatira sa Juda ay pinatira kasama ng mga mamamayan ng Benjamin.