The chat will start when you send the first message.
1Ito ang talaan ng mga angkan nina Aaron at Moises nang panahong nakipag-usap ang Panginoon kay Moises doon sa Bundok ng Sinai.
2Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. Si Nadab ang panganay.
3Pinili sila at itinalaga sa paglilingkod bilang mga pari.
4Ngunit sina Nadab at Abihu ay namatay sa harapan ng Panginoon nang gumamit sila ng apoy na hindi dapat gamitin sa paghahandog sa Panginoon doon sa disyerto ng Sinai. Namatay silang walang anak, kaya sina Eleazar at Itamar lang ang naglingkod bilang mga pari habang nabubuhay pa si Aaron.
5Sinabi ng Panginoon kay Moises,
6“Ipatawag mo ang lahi ni Levi at dalhin sila sa paring si Aaron para tumulong sa kanya.
7Maglilingkod sila kay Aaron at sa mga mamamayan ng Israel sa pamamagitan ng pag-aasikaso ng mga gawain sa Toldang Sambahan, na tinatawag ding Toldang Tipanan.
8Sila rin ang mangangalaga ng lahat ng kagamitan ng Toldang Tipanan, at maglilingkod sa Toldang iyon para sa mga Israelita.
9Itatalaga ang mga Levita para kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Sila ang inilaan mula sa mga mamamayan ng Israel na magsilbi at tumulong sa kanila.
10Si Aaron at ang mga anak niya ang piliin mong maglingkod bilang mga pari. Ang sinumang gagawa ng mga gawain ng pari sa Tolda na hindi lahi ni Levi ay papatayin.”
11Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
12“Pinili ko ang mga Levita bilang kapalit ng mga panganay na lalaki ng Israel. Akin ang bawat Levita,
13dahil akin ang bawat panganay. Nang pinagpapatay ko ang lahat ng panganay na lalaki ng mga Ehipsiyo, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay na lalaki ng Israel, tao man o hayop. Kaya akin sila. Ako ang Panginoon .”
14Sinabi ng Panginoon kay Moises doon sa disyerto ng Sinai,
15“Bilangin mo ang mga lalaking Levita mula sa edad na isang buwan pataas, ayon sa kanilang pamilya.”
16Kaya binilang sila ni Moises, ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon .
17Ang mga anak na lalaki ni Levi
18Ang mga anak na lalaki ni Gerson
19Ang mga anak na lalaki ni Kohat
20Ang mga anak na lalaki ni Merari
21Ang mga angkan ni Gerson ay ang mga pamilya na nanggaling kina Libni at Simei.
22Ang bilang nila mula isang buwang gulang pataas ay 7,500.
23Ang lugar na kanilang pinagkakampohan ay nasa likod ng Toldang Sambahan, sa bandang kanluran.
24Ang kanilang pinuno ay si Eliasaf na anak ni Lael.
25Sila ang naatasang mag-asikaso ng mga kagamitang ito sa Toldang Tipanan: Ang mga pantaklob, ang kurtina ng pintuan ng Tolda,
26ang mga kurtina ng bakuran na nakapalibot sa Tolda at sa altar, pati ang kurtina ng pintuan ng bakuran, at ang mga tali. Sila ang naatasan sa lahat ng mga gawaing may kinalaman sa mga kagamitang ito.
27Ang mga angkan ni Kohat ay ang mga pamilya na nanggaling kina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
28Ang bilang nila mula isang buwang gulang pataas ay 8,600. Inatasan silang asikasuhin ang Toldang Tipanan.
29Ang lugar na kanilang pinagkakampohan ay nasa bandang timog ng Toldang Sambahan.
30At ang pinuno nila ay si Elizafan na anak ni Uziel.
31Sila ang naatasang mag-asikaso ng Kahon ng Kasunduan, ang mesa ang lalagyan ng ilaw, ang altar, ang mga kagamitang ginagamit ng mga pari sa kanilang paglilingkod at ang kurtina. Sila ang naatasan sa lahat ng mga gawaing may kinalaman sa mga kagamitang ito.
32Ang pinuno ng mga Levita ay si Eleazar na anak ng paring si Aaron. Siya ang pinili na mamahala sa mga naatasan sa pag-aasikaso ng Banal na Lugar.
33Ang mga angkan ni Merari ay ang mga pamilya na nanggaling kina Mahli at Mushi.
34Ang bilang nila mula isang buwang gulang pataas ay 6,200.
35Ang kanilang pinuno ay si Zuriel na anak ni Abihail. Nasa bandang hilaga ng Toldang Sambahan ang lugar na kanilang pinagkakampohan.
36Sila ang naatasang mag-asikaso ng mga balangkas ng Tolda, ng mga biga nito, ng mga haligi at mga pundasyon. Sila ang naatasan sa lahat ng mga gawaing may kinalaman sa mga kagamitang ito.
37Inatasan din silang pangalagaan ang mga haligi na pinagkakabitan ng mga kurtina ng bakuran na nakapalibot sa Tolda pati ang mga pundasyon, mga tulos at mga tali.
38Ang lugar na pinagkakampuhan nina Moises at Aaron at ng mga anak niya ay nasa harapan ng Toldang Tipanan, sa bandang silangan. Sila ang naatasan upang pamahalaan ang mga gawain sa Tolda para sa mga Israelita. Ang sinumang gagawa ng mga gawain ng pari sa Tolda na hindi lahi ni Levi ay papatayin.
39Ang kabuuang bilang ng mga lalaki na Levita mula isang buwang gulang pataas ay 22,000 lahat. Sina Moises at Aaron ang bumilang sa kanila, ayon sa iniutos ng Panginoon sa kanila.
40Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bilangin mo at ilista ang mga pangalan ng lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita, mula sa edad na isang buwan pataas.
41Italaga mo ang mga Levita sa akin kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita. Ihandog din sa akin ang mga hayop ng mga Levita kapalit ng mga hayop ng mga Israelita. Ako ang Panginoon .”
42Kaya binilang ni Moises ang lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita na may edad isang buwan pataas, ayon sa iniutos ng Panginoon sa kanya.
43Ang kabuuang bilang ng lahat ng panganay na lalaki na may edad isang buwan pataas ay 22,273.
44Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
45“Italaga ang mga Levita sa akin kapalit ng mga panganay na lalaki ng mga Israelita. Ihandog din sa akin ang mga hayop ng mga Levita kapalit ng mga panganay na hayop ng mga Israelita. Akin ang mga Levita. Ako ang Panginoon .
46Dahil sumobra ng 273 ang mga panganay na lalaki ng mga Israelita kaysa sa mga Levita, kailangan mong tubusin itong mga sumobra.
47Kaya kukuha ka ng limang pirasong pilak para sa bawat isa ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. (Ang timbang ng isang pirasong pilak ay 12 gramo.)
48At ibigay mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki ang natipong perang pantubos sa sumobrang mga panganay na lalaki ng mga Israelita.”
49Kaya kinolekta ni Moises ang pera na ipinangtubos sa mga panganay na anak ng mga Israelita na labis sa bilang ng mga Levita.
50Ang kanyang nakolekta ay 1,365 pirasong pilak, ayon sa timbang ng pilak sa timbangan na ginagamit ng mga pari.
51At ibinigay niya ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki ayon sa iniutos ng Panginoon sa kanya.