The chat will start when you send the first message.
1Pupurihin ko ang Panginoon !
Buong buhay kong pupurihin
ang kanyang kabanalan.
2Pupurihin ko ang Panginoon ,
at hindi kalilimutan
ang kanyang kabutihan.
3Pinatatawad niya
ang lahat kong kasalanan,
at pinagagaling
ang lahat kong karamdaman.
4Inililigtas niya ako
sa kapahamakan,
at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag.
5Pinagkakalooban niya ako
ng mga mabubuting bagay
habang akoʼy nabubuhay.
Kaya akoʼy parang nasa
aking kabataan
at malakas tulad ng agila.
6Ang Panginoon ay matuwid
sa paghatol;
binibigyang-katarungan ang lahat ng inaapi.
7Ipinahayag niya kay Moises
ang kanyang pamamaraan,
at inihayag sa mamamayan ng Israel
ang kanyang mga gawang
makapangyarihan.
8Ang Panginoon ay mahabagin
at matulungin,
hindi madaling magalit
at sagana sa pagmamahal.
9Hindi siya palaging nanunumbat,
at hindi nananatiling galít.
10Hindi niya tayo pinarurusahan
ayon sa ating mga kasalanan.
Hindi niya tayo ginagantihan
batay sa ating pagkukulang.
11Dahil kung gaano man kalaki
ang agwat ng langit sa lupa,
ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Diyos
sa mga may takot sa kanya.
12Kung gaano kalayo
ang silangan sa kanluran,
ganoon din niya inilalayo sa atin
ang ating mga kasalanan.
13Kung paanong ang ama ay nahahabag
sa kanyang mga anak;
ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon
sa mga may takot sa kanya.
14Sapagkat alam niya ang ating kahinaan,
alam niyang tayoʼy mula
sa alabok lamang.
15Ang buhay ng tao
ay tulad ng damo.
Tulad ng bulaklak sa parang,
itoʼy lumalago.
16At kapag umiihip ang hangin,
itoʼy nawawala at hindi na nakikita.
17Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon
ay walang hanggan
sa sinumang may takot sa kanya;
ang matuwid niyang gawa
ay wala ring katapusan.
18Ang magkakamit nitoʼy ang tapat
sa kasunduan,
at tapat na sumusunod
sa kanyang kautusan.
19Itinatag ng Panginoon
ang kanyang trono
sa kalangitan,
at siyaʼy naghahari sa lahat.
20Purihin ninyo ang Panginoon ,
kayong mga anghel niya,
na nakikinig at sumusunod
sa kanyang mga salita.
21Purihin ninyo ang Panginoon ,
kayong lahat na mga nilalang niya
sa langit, na naglilingkod sa kanya
at sumusunod
sa kanyang kalooban.
22Purihin ninyo ang Panginoon ,
kayong lahat na mga nilalang niya
sa lahat ng dako
na kanyang pinaghaharian.
Purihin ang Panginoon !