The chat will start when you send the first message.
1Panginoon , sa labis kong paghihirap
akoʼy tumatawag sa inyo.
2Dinggin po ninyo ako, Panginoon.
Pakinggan po ninyo ang aking pagsusumamo.
3Kung inililista nʼyo ang aming mga kasalanan,
sino kaya sa amin ang matitira?
4Ngunit pinapatawad nʼyo kami,
pang matuto kaming gumalang sa inyo.
5Panginoon , akoʼy naghihintay sa inyo,
at umaasa sa inyong mga salita.
6Naghihintay ako sa inyo
nang higit pa sa tagabantay
na naghihintay na dumating ang umaga.
7Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon ,
dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.
8Siya ang magliligtas sa inyo
sa lahat ng inyong mga kasalanan.