The chat will start when you send the first message.
1O Diyos, ituro nʼyo po sa hari
ang iyong pamamaraan sa paghatol
at katuwiran,
2upang makatarungan siyang makapaghatol
sa inyong mga mamamayan,
pati na sa mga dukha.
3Sumagana sana ang mga kabundukan
upang mapagpala ang inyong mga mamamayan
dahil matuwid ang hari.
4Tulungan nʼyo siyang maipagtanggol
ang mga dukha
at durugin ang mga umaapi sa kanila.
5Nawaʼy katakutan ka nila, magpakailanman,[#72:5 Sa ibang manuskrito, Manatili sana sila.]
hanggang ang araw ay sumisikat,
hanggang ang buwan ay naroon sa kalangitan.
6Ang hari sanaʼy maging tulad ng ulan
na bumubuhos sa parang,
ulan na dumidilig sa kalupaan.
7Umunlad sana ang buhay ng mga matuwid
sa panahon ng kanyang pamumuno,
at maging maayos ang kalagayan ng tao
hanggang sa wakas ng panahon.
8Lumawak sana nang lumawak
ang kanyang kaharian,
mula sa ilog ng Eufrates
hanggang sa pinakadulo ng mundo.
9Magpasakop sana sa kanya
ang mga kaaway niyang nakatira sa ilang.
10Magbigay sana ng buwis sa kanya
ang mga hari ng Tarsis,
at mga kaloob ang mga hari
ng Sheba at Seba.
11Magpasakop sana sa kanya
ang lahat ng hari
at ang lahat ng bansa ay maglingkod sa kanya.
12Inililigtas niya ang mga dukha
na humihingi ng tulong,
gayundin ang mga mahihirap
na walang tumutulong.
13Kahahabagan niya ang mga dukha
at nangangailangan
at silaʼy kanyang tutulungan.
14Ililigtas niya sila sa mga malulupit
at mapang-api
dahil para sa kanya,
ang buhay nilaʼy mahalaga.
15Mabuhay sana ang hari nang matagal.
Sanaʼy mabigyan siya ng ginto
mula sa Sheba.
Sanaʼy idalangin palagi ng mga tao
na pagpalain siya ng Diyos.
16Sumagana sana ang ani sa lupain
maging sa tuktok ng bundok,
katulad ng mga ani sa Lebanon.
Dumami rin sana ang mga tao
sa mga lungsod,
kasindami ng damo sa mga parang.
17Huwag sanang malimutan
ang pangalan ng hari
magpakailanman,
habang sumisikat pa ang araw.
Sa pamamagitan sana niya
ay pagpalain ng Diyos ang lahat ng bansa,
at sabihin sana ng mga ito
na siyaʼy pinagpala ng Diyos.
18Purihin ang Panginoong Diyos,
ang Diyos ng Israel,
na siyang tanging nakagagawa
ng mga bagay
na kamangha-mangha.
19Purihin ang kanyang dakilang pangalan
magpakailanman!
Mahayag sana sa buong mundo
ang kanyang kaluwalhatian.
20Dito nagwawakas ang mga panalangin ni David
na anak ni Jesse.