The chat will start when you send the first message.
1Naghahari ang Panginoon
at nakaupo sa gitna ng mga kerubin.
Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takot
at ang mundoʼy nayayanig.
2Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion,[#99:2 : O Jerusalem.]
dinadakila siya sa lahat ng bansa.
3Magpupuri ang mga tao sa kanya
dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang.
Siya ay banal!
4Siyaʼy Haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan.
Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan.
Ang ginagawa niya sa Israel
ay matuwid at makatarungan.
5Purihin ang Panginoon na ating Diyos.
Sambahin siya sa kanyang trono.
Siya ay banal!
6Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari,
at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya.
Tumawag sila sa Panginoon
at tinugon niya sila.
7Nakipag-usap siya sa kanila
mula sa ulap na parang haligi;
sinunod nila ang mga katuruan
at tuntunin na kanyang ibinigay.
8Panginoon naming Diyos,
sinagot nʼyo ang dalangin ng inyong mga mamamayan.
Ipinakita nʼyo sa kanila na kayo ay Diyos na mapagpatawad
kahit na pinarusahan nʼyo sila sa kanilang mga kasalanan.
9Purihin ang Panginoon na ating Diyos.
Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok,
dahil ang Panginoon na ating Diyos ay banal.