Mga Awit 131

Ang Mapagpakumbabang Dalangin

1Yahweh aking Diyos, ang P8 P255 pagmamataas,

tinalikuran ko't iniwan nang ganap;

ang mga gawain na magpapatanyag

iniwan ko na rin, di ko na hinangad.

2Mapayapa ako at nasisiyahan,

tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay.

3Kaya mula ngayon, at magpakailanman,

si Yahweh lang Israel, ang dapat sandigan!

© 2005 Philippine Bible Society
Published by: Philippine Bible Society